Tuesday, December 6, 2011

Procrastination, Atbp.

Ever since I started fellowship for Adult Cardiology in March 2009, sinabi ko na sa sarili ko na mag-aaral na talaga ako. Pano ba naman, ang dami dami ko nang kinuhang exam, di pa rin ako nagbago. Hindi pa rin ako marunong mag-aral. Nung 2004, nung kumuha ako ng board exams para sa Medicine, habang ang iba ay nagkakaroon na ng eye bags sa kakapuyat sa pag-aaral, hindi pa rin nagbago ang study habits ko. Tulog at 10 PM, gising by 4am para mag-aral, then nap at 10 am, then aral uli by 12 pm, then nap ulit by 3 pm, then aral ulit by 6 pm. Ganun. Mas marami yata ang tulog. Unimaginable for someone taking the board exams. But that's what worked for me. Pumasa naman ako. At swerte pa, kasama pa sa top 20.

Ganun din sa board exams ng Internal Medicine. Habang yung iba kong ka-batch ay off na by December 15 for a January 27 exam, ako ay nagtrabaho pa rin. Binigyan lang ako ng leave 2 weeks before the exam para tumutok sa aming librong si Harrison's. Pero di pa rin nagbago ang study habits ko. Di ko pa rin kayang magpuyat. Kung dalawin ako ng antok, natutulog ako. Sa kabutihang palad ulit, maayos naman ang kinalabasan. Sa di pagmamayabang, nasa 98th percentile naman ang beauty ko. So masaya na ako.

Sabi ko sa sarili ko, this time, for the Cardiology Boards, hindi pwedeng half-hearted aral lang. Since this is probably my last board exams ever, kelangan bonggang bongga ang performance ko dito. Dapat topnotcher (char!). Di pwedeng pasang awa lang. Di pwedeng ligwakin ng Heart Center o kaya St. Luke's ang PGH. Kelangan kinakareer ang-aaral para dito.

Pero heto. Naluma na yung Braunwald 8th edition ko. Iilang chapters pa lang ang nabasa ko. Ngayon may bago na namang edition. Di ko pa rin nababasa. Kaya tuloy pirated version na lang ang binili ko. Baka kasi masasayang ko na naman. Three months na lang, I will be done with my fellowship. Finally. Time to jumpstart my life. But before I do that, I would need to pass my final hurdle - the adult cardiology specialty board exams this coming April 2012. Pero sa halip na mag-aral, iba ang ginagawa ko. Halimbawa na lang ay ang mga sumusunod:

1. Paghahanap ng lalaki - Nabanggit ko na sa previous post ko. No further elaborations are needed.

2. Paghahanap ng promo fare at pagpapalano ng bakasyon - Syempre naman. After 7 years of residency and fellowship training, I couldn't wait to go on a long vacation. Gusto kong mag-adventure ulit. After Batanes in 2009, I want to backpack around Palawan. I want to explore every town, including Cuyo and Cagayancillo. Pero pipe dream naman yata yan. Hindi dahil kelangan ko mag-aral, but dahil wala akong enough na pera.

3. Pagsasayaw kasama ang mga histrionic na Cardio fellows - Lahat ng party, my sayaw. At dapat bongga. Ayan, di tuloy nakakapagbuklat man lang ng Braunwald.

4. Pagiisip ng mga linya ng kanta - Halimbawa... Braunwald ka ba, (kasi naman kasi), pinapaikot mo ang utak ko (naman kasi). Defib ka ba (kasi, kasi) kinukuryente mo ang puso ko (naman kasi). Atropine ka ba (kasi, kasi) you make my heart go faster. PVC ka ba, e di PVC rin ako para couplet tayo. MI ka ba (kasi, kasi) nagcacardiogenic shock ako sa ýo.

Haaay. Ang hirap ng maraming inaatupag. Pero mas masaya naman ang ganitong buhay, di ba? Pag namatay ako, di naman siguro ninyo ako tatanungin ko ilang pages ng Braunwald ang binasa ko. Pero maaalala nyo yung mga byahe ko, o ang mga kanta kong ginawa (char!). Besides, kung nag-top ako dun sa mga dati kong exam, baka pag nag-aral ako this time, di na ako magtotop (Tama! Ako na!).

Bukas, mag-aaral na ako. Promise.

(Vtach ka ba (kasi, kasi) you are really really hard to catch. Stet ka ba (kasi, kasi) you know I can't rounds without you. Pa-protime nga (aahaaah) para laging nasa target kita. Pa-bypass nga (aaaahaaah), para laging nasa bedside kita...)


4 comments:

Anonymous said...

Botong boto ako sa 1 and 2! Go for it! Oras na magboys before books! And about no. 3... ANG GALING NG PRESENTATION NIYO GRABE!!! Di pa din ako over. Hahaha. Galing.

Lance said...
This comment has been removed by the author.
Lance said...

Hello, Ma'am. I was one of the LU4 students you handled last year. I enjoyed this post very much—the line, "di pa rin ako marunong mag-aral" is a winner. It goes to show that each person has unique study habits. For instance, mine may be construed by the distant observer as procrastination or sloth, but it has worked for me.

Walking on Water said...

Hi, Lance. Thanks. It's best to develop those study habits during college of med school. Ang hirap na baguhin when you get older.