I unearthed an old piece of crappy writing today. These were scribbles I made on scratch paper some 10 or 12 years ago. Funny how some memories revisit you, like a deja vu, only becoming stronger. It's like coming full circle and you find yourself in exactly the same quagmire again. Perhaps it's true that History repeats itself. Or maybe Life is just giving us second chances, so we can be bolder and hence redeem, finally, after countless attempts, really redeem ourselves. Maybe this time, I will.
Or perhaps there are certain feelings or thoughts that we nurture in our hearts that never really disappear or even diminish. They just hide, pretending to be forgotten, only to come back stronger when we're older. And when they do, it's time to just surrender and get carried away.
Paghihintay
Ang tagal mo naman!
kung hihintayin kita, anong oras?
Saan? Kailan?
Wala naman tayong usapan.
Walang appointment na pwede kong asahan.
Wala kang iniwang landline o cellphone
na pwede kong tawagan.
Hindi kaya ako nagmumukhang tanga?
Nagbibilang ng oras, umaasa sa wala?
O baka naman, may katagpo ka nang iba?
Diyos ko naman, sana wala pa!
At sana di tayo nagkasalisihan!
Papunta ako dun, naghahanap sa 'yo,
habang ikaw nama'y papunta pala rito.
O, ano? Libre ka kaya?
Kung hindi mamaya, bukas?
Sa isang linggo? Sa isang taon?
Ah, ewan. Bahala ka.
Kahit kelan, bahala na.
Basta, hihintayin kita.
Mamuti man ang mata,
lulunukin ang inip, ang pagod.
Ang pagtiktak ng relo,
sa kabilang tenga palalabasin ko.
Ipipikit ang mga mata, at baka sa pagdilat,
Naririyan ka na.
Darating ka kaya?
Bahala na.
At kung sa kahihintay, ako'y tumanda,
hindi ko iyon alintana.
Basta't darating ka,
sulit naman, 'di ba?
Ngunit ang hirap naman nito.
Mabuti sana, kung di ko alam
Ang pangalan mo.